Ala-ala
Ilang araw na nga ba ang aking binilang
Sampu ng aking nakaraan
Tinitipa ang makinilya upang makabuo nang mahalagang diwa
Hangad ko ay iyong mabigyang laya
Tanaw ko ang matayog mong paglipad
Habang binubuo mo ang siya mong pangarap
Sa’yong paglipad nakalimot ka,
Ako ay tahasan mo nang binalewala
Hindi nga ba’t ako lamang ang siyang tunay na nasasaktan?
Sa tuwina ika’y aking naaalala
Habang ikaw ang nagpakasasa
Sa tukso ng mundo,
Nag paalipin ka.
Sumulat ka at ang sabi mo pa nga,
Ako ang siya mong mahal
Umasa ako sa iyong salita,at nag pasakop sa aking nadarama,
Ngunit batid ko, na ikaw ay maligaya
Sa piling nang iyong panibagong sinta.
Sino nga ba ang makakapigil
Nang iyong pasya,
Kundi ang iyong budhi na magbibigay ng babala,
Ang puso ay hindi dapat pinaglalaruan
Bagkus ay ating pahalagahan
At kong ito ay masaktan
Mag-iingat ka
Dahil ang magmamahal
Ay may kalakip na pait
At pagdurusa
Batid ko ang diwa ng aking pusong na ngulila
Kailanman ay hindi sisihin na ikaw ang siyang sumira
Sa isang pangako at pagmamahalang
Kailanman ay hindi mabubura
Kahit magdaan ang panibagong alaala.
Saiyong paglipad nawa’y lumigaya ka
Sapagkat hangad ko
Na ang aking minahal
Ay mapabuti saan man mapunta.
I remember those moments when I can't even write anything. But I realize writing is not forcing yourself to write a piece. Instead, memories can fill you with emotion, that made a purpose of how you will end up describing your feelings and the words can flow freely as you take down every details of what you truly feels.
These are all my written memories....
kalakip ng isang Ala -ala
PAMBURA
Alapaap
PESTE!(naghihintay)
Peste ang mabuhay ng naghihintay
walang katiyakan sa umagang darating
Nag-aabang sa himalang maaring maganap,
kahit ang kapalit ay mahabang suliranin.
Peste ang magmahal ng walang katiyakan
Tila baga, Ikaw ay nakikipag-laban sa gitna ng kamatayan
Hindi mawari kung susuko ka, o di kaya
maghintay na lamang sa habag ng iyong minumutya.
Peste ang pag-ibig na dakila
Sapagkat kailangang ikaw ay magparaya
maghintay sa ginuhit ng tadhana at tingalain ang kinang ng tala,
habang hinahangad ang kaligayan ng iyong sintang mahal
sa piling ng iba.
Peste, Ang buhay kung wala ka.
Daig ko pa ang patay na nilagak sa karimlan ng pag-iisa.
Saan maaring maghintay nang payapa?
Na Ikaw ang sya kong kayakap at kasama
saan maaring maghintay na wala ang bakas ng mapait na luha
Peste! ang maghintay, gayong wala ka na.
HAngad ko na ako'y maging isang pambura upang sa gayon,
aking nakaraan ay mapawi bigla
at nagdaang hinanakit ay maglaho na parang bula
Maaring malimutan ang lupit ng tadhana
at mabura sa ala-ala ang mapait na pag-durusa.
Ninais kong tulad ng isang pambura,
madaling burahin ang sinulat ng masamang gunita.
Nais ko ay maging payapa at ang puso
ko ay magbalik ang SAya.
Sa gitna ng isang masikip na daanan
Batid ko na ako'y iyong matagpuan.
Lingid sa iyong kaalaman
bantulot man ang puso ko na ito'y ipadama
minsan lang ito sasaya
Nawa'y makita mo
ang tunay kong pagsinta.
Sa alapaap na buo ang siyang pangarap
Hinihintay ko ang iyong pagbabalik,
ngunit tadhana ay sadyang kay lupit
sapagkat, ang puso ay biglang naglaho at sa alapaap
ay nagkatagpo
ng isang anghel na nagsikap na buohin
ang puso kong nasadlak sa kawalan
at sa alapaap ay nasumponga
ang isang kapirasong damdamin
na bumago ng ating kasaysayan
at sa wakas na himlay ang puso ko
Ikaw man ay naglaho
Sa kanya,
mulit-muling babalik
puso ko ay nakatagpo
ng pares na di mababago
kahit ang pagpawi ng aking hininga
ay siya kong alaala..
Nakatagpo ang puso ko ng walang hanggang
saya..
SIYA NA.